I love being myself!

..this is just a hobby, writing is my pastime!:))

Thursday, April 28, 2011

Black and Yellow

It was late in the afternoon when a friend of mine invited me out for a dinner. Even though I was kind of exhausted that day, I still pushed through going to Trinoma.

The sun was about to set at 5:30 pm when I left home. I had to walk fast down to the highway to avoid the traffic in Edsa bound to South.

I was standing at the stop light as I wait for my turn to cross the highway when someone held me at my back, and rode in the bus with me.

That was Alvin, HRM student, a friend of mine since I was on my first year college in CTHM. We started chatting with each other as we head on to Trinoma, I didnt mind the aircon that killed me softly that moment, it was unmovable though.

The pow wow gets deeper as the night becomes older. Thinking about how time really flies back then when we started being classmates during PE (Fitness), back when we somehow looked like a totoy and a nene three years ago. And now the hell, we’ll be having our practicum soon. Now that we’re graduating students already! Well that was really fast.

We arent that close, but then as we get near SM North, we started sharing about our own lives and whereabouts. I didnt know the reason behind how and why he had his business thing, whatever the cause was truly a life-changing experience. Its something about the turning of the world, upside down.

I never thought that someone like him would open up such thing to me. We dont talk much in school and we dont even see each other that often. All the time we were having a conversation, he made me feel egoistic about him because of his willingness and courage to help his parents out at his age. For chrissake, he’s like three months younger than me and I never did try standing on my own. He made me realize that as long as Im still young, I should have the urge of producing something out of my passion.

That moment, I took in the concept that somehow at this generation, there are still children left helping their parents as they pursue their own dreams. I can say that he was brought up by his parents correctly, perfectly.

He’s such a sweet guy to get pasalubongs for his mom whenever he goes home. I kid him to drop by at home whenever he has an ‘uwi’ for his parents. And he promised that. LMAO.

He, literally, is an adorable guy. Very often in this life that you’d find someone like him.

Im proud of you, my friend!

Took sips of iced coffee at CBTL. Headed home at 9:45pm.

Wednesday, June 23, 2010

Best line to mom.

Ma, I'll be with my friends tonight. Just friends, and that's for sure. IM SINGLE, so you dont have to worry. Okay? Im enjoyin this solo life! and I will never ever find someone stupid, again. Haha. I love you. :)


-Anne

RACE-all-you-can

06:27pm.

Presko at malamig ang ihip ng hangin. Nakakabingi ang katahimikan na tila ba iisa lang ako sa isang islang napapalibutan ng masukal na kagubatan, at hindi ng karagatan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Binuksan ang TV, at naghanap ng kapanipaniwalang istasyon. Nang makakuntento ay nakasaksi ng mga balitang kaliwa't kanang krimen na mga nangyayari mula sa iba't ibang panig ng Maynila. Krimen na tila ba walang katapusan, na nagmula pa ng hugitin mula sa tadyang ni Adan si Eba. Pinatay ko na lang ang TV, dahil paulit-ulit naman ang mga pangyayari; may nagsaksakan sa dahilan ng rambol, may pangyayari pa na umabot ng 37.5 degree celsius ang init ng panahon, balitang nangunguna pa rin si Noynoy sa pagkapresidente na mag-iisang buwan nang binibilang. Kinabog pa ng mano mano ang PCOS machines ni Gordon. At higit sa lahat ay ang pagkalat na raw ang mga Jejemon. Hindi naman ako nabahala, palaos na sila ngayon.

Bumaba ako ng kwarto, binuksan ang ref at hinila ang Margarita na natira pa mula ng gabing nagkasiyahan kami magkakaibigan. Hiniwa ang lemon ng pira-piraso, at nagdikdik ng sandamakmak na yelo. Nagtimpla rin ng kape, ni hindi ko rin malaman kung bakit. Natuwa ako sa sarili ko, hindi dahil sa uminom ako ng nag-iisa. Kundi dahil sa wakas ay alam ko na kung paano tinitimpla ang kape, dahil turo lang sakin ni Mama ay 3 in 1 lang. Salamat sa nag-iisang Game Master sa buhay ko, si Kuya Bryan, dahil itinext pa niya sa akin kung paano ang perpektong pagtimpla.

Umakyat akong muli sa kwarto, nag-isip isip na para bagang may problemang dapat ayusin. Swabeng swabe sa dila hanggang sa lalamunan ang unang shot na nainom ko kasabay ng yosi na nagpapaginhawa dito. Uminom ulit ako. Inom lang, hanggang sa nawalan ng malay...



12:25am.

Wala akong naulinig na kahit ano na yabag ng tao. Nagulat nalang ako ng makita ko na ginigising ako ng kaibigan ko, apat na taon na ang nakalipas. Ginising ako sa bangungot na hindi ko kaya takasan, binuhat at isinakay sa tsekot hindi naman bago sa paningin ko.

Simpleng mamamayan lang ako, simpleng tao na nabubuhay sa kumplikadong mundo. Hindi mayaman, hindi naman sobrang hirap. Marunong sumakay ng jeep at ng pedicab. Pero dahil modernisado na ang mundo, sumasabak na rin ako sa bakbakan sa LRT. Nakaramdam lang na walang silbi sa kadahilanang hindi ako nakaboto noog nakaraang eleksyon. Wala pa kasi sa legal na edad. Kuntento na ako sa buhay ko bilang isang teenager na nag-aaral, kumakain, natutulog, naglalakwatsa, sinesermonan ng nanay, nagpe-Facebook at nagmamahal.

Pero bigla ko lang naisip na tama nga ba ito? Tama ba na mapasama ako sa mga hindi ko ka-lebel? Dahil alam kong mayaman ako, mas mayaman pa sa dagang pumupuslit ng keso nila sa kusina. Marami nga akong kaibigan. Lahat nakakasundo ko naman. Merong may hitsura, merong wala. May matapang, may duwag. May matalino, meron din makitid. Hindi rin nawawala ang mga maarte, makonyo. Merong mahirap lang at sakto lang, may mayaman at sumobra ang pagkayaman.

Pero nung gabing iyon, hindi ko naramdaman ang pagiging normal. Feeling ko, sobrang yaman ko na din. Umapaw sa yaman ng pagmamahal ng isang kaibigan para itakas ako sa gabi na kinailangan ko ng kausap. Sa isang gabi na tila hanggang panaginip ko lang mararanasan.

Kumportable ako sa kinauupuan ko. Maayos at hindi makaltag ang byahe. Kaakit akit ang amoy ng loob ng kotseng iyon na sinabayan pa ng soft music na pinamagatang Masaya. Malayo layo na rin ang natatakbo ng makinanang iyon. Napansin ko nalang na nasa Maynila na kami ng makita ko ang kalabaw na estatwa katapat ng monumento ni Rizal. Hindi ako makaharap sa nagmamaneho dahil wala pa akong balak alamin kung sino siya. Basta't ang alam ko ay kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan. Mahal niya ako, ganon din ako sa kanya. Dire-diretso siya sa pagmamaneho. Walang sinasanto, napaghahalataang hari ng kalsada.

May kumabog sa dibdib ko, ito ang takot dahil inakala kong mawawalan siya ng preno. Hindi pa din ako nakatingin sa kanya, sa bintana ko lang. Wala pa nga ako sa sarili. Ang sabi ko lang, "Tama na, delikado." sabi naman niya," Wala pa, Anne. Malayo layo pa tayo." hindi na ako kumibo ng marinig ko ang boses niya, tinig na dati ko pa naririnig. Yung tinig na tila maamo, malamlam at kapanipanabik...

Napagtanto ko nalang na nasa Blue Wave na kami. Nagpa full tank na siya ng gas. Marangya, mapera. Yan ang masasabi ko sa kanya.

Walang anumang pagdududa, tinawag ko siya sa pangalan, at sumagot nman siya, "Yes? We're already here." Sabi ko na nga ba, siya yun. Inglisero kasi.

Siya si Kean, isang UPian. 22 na taong gulang. Gwapo, bilog ang mga mata. Sakto lang ang height sa katawan. Maputi. Mabango. Yung tipong dream guy ng mga babaeng masasabi mo na may taste nga naman talaga. May angas. Mayabang. Ngunit kahit ganoon ay masasabi kong siya ay may utak. Utak na hindi mo makikita sa ibang kalalakihan na puro porma lamang ang gusto, "kamote" ika nga sa mga salitang kanto. Nakilala ko sa isang convention sa Ateneo kung saan ako ay ipinadala ng aming eskwelahan.

Bumaba siya, at pinagbuksan ako ng pinto at siya pang nag-alis ng seatbelt ko.

DRAG RACE. Sabi ko na nga ba.

Pagkababa ay ipinakilala ako sa tatlo pa niyang mga kaibigan. Sa kapwa niya mabibisyo.. sa kapwa niya racers. Kami naman ni Kean, naghintay lang sa mga susunod na pangyayari habang nagbabaraha. Nasita pa ng mga mamang naka-uniporme na nagaangas-angasan. Alam na may illegal na mangyayari, kung kaya't pinagtabuyan pa kami. Malalim nga ang gabi, hindi ko alam na pupuwede parin pala masilaw ang mga manong na may baril at posas. Kung pano nangyari, isang abot lang naman.



03:13am.

Matapos ang mahabang kwentuha't pag-uusap ay may iba pang mga dumating. Dalawa pang magarang wheels. Doon sila nakipagsundo. Naramdaman ko ang init sa aking katawan, dahil alam ko na lasing ako. Hinawakan ni Kean ang aking mga kamay. Tinitigan ako na parang hindi na kami magkikita pang muli.

Kainitan na sa Macapagal. Dalawang kotseng high-class ang magkatabi. Isang Honda Fit na medyo pipichugin ang itsura at isang Porsche na gintuin.

Walang anumang pagdududa'y sumakay na kami ni Kean sa gintuing tsekot, at muling hinigpitan ang seatbelt na ikinabit sa akin. Kinilig ako, siyempre.

Nagumpisa na ang karera. Nagkatinginan ang dalawang nagmamaneho sa isat isa sabay signal ng isang lalaking may kalakihan ang katawan. Kung sino man siya, hindi ko din maalala. Ngipin sa ngipin ang labanan. Nanguna si Porsche, ilang metro lang naman ang layo kay Fit. Walang magpapatalo, dahil kulang kulang bente mil ang taya nila. Bente mil na sweldo na ng isang buwan sa puyat na call center agent sa Eastwood. Bente mil na kinikita ng isang pawisang karpintero ng dalawang buwan at isang linggo. Bente mil na hindi mo mapupulot san mang sulok ng kalawakan ka mapunta. Bente mil na maaring tumapos sa marangyang buhay ng isang racer at ng isang tulad kong marami pang pangarap sa buhay.

Matapos ang limang minuto, humina ang preno ni Kean. Pinahinto ko siya sa sobrang takot ko. Oo, hilig ko at nakasanayan ko na sumama sa mga karera. Hilig ko itaya ang kung ano ang meron ako, makamit ko lang ang nais ko. Kahit buhay ko pa para may thrill naman. Mabilis ang mga naganap na pangyayari, kasing bilis ng break-up namin ng ex ko.

Si Fit, tuloy padin. Hanggang sa hindi na namin ito natanaw. Marahil ay nagbunyi ng pagkapanalo. Umatras na kami ni Kean at bumalik sa starting line. Tanggap niya ang pagkatalo niya, dahil na rin sa akin. Wala lang naman sa kanya ang pera eh. Barya lang sa kanilang mayayaman yun, baka basura pa nga.Hindi na nakabalik si Fit. Nawala ng parang bula. Yun pala'y umabot na siya sa finish line. Oo, at lagpas pa dun ang narating. Nagpaikot-ikot pa nga raw, kwento ng isang racer. Akala ko nga'y nagpasikat lang para lumagpas pa sa pader na tinamaan niya. Akala ko ri'y nagmadali lang papuntang Marina, yun pala'y papuntang heaven na.

Mas lalaong bumilog ang mga mata ni Kean, lumaki pa kamo sabay haltak sa akin papaloob sa kotse. Kinalabit ang starter sabay humarurot papalayo.

Makita ko'y nasa tapat na kami ng bahay niya sa La Vista.

Presko at malamig ang ihip ng hangin. Nakakabingi ang katahimikan na tila ba iisa lang ako sa isang islang napapalibutan ng masukal na kagubatan, at hindi ng karagatan. Tila napag-isa na ang dalawang nilalang na kanina'y nag-iisa lang.

Mas lalo kong nadama ang pagkasabik sa taong hindi ko akalain na mapapasa-akin, na sa isang iglap pala ay pupwedeng mabago ang lahat. Ang pangingibabaw ng galak sa tuwing kami'y magkasama, pati na rin ang pabigla-biglang bulusok ng init sa aming mga katawan.

Sing init ng impyerno lalo na kung summer at sing lakas ng narinig ko na hiyaw ng ina ko nung umagang iyon, "ANNA MARIEEEE, gumising ka na! Tanghali na!"




"There are really stories that must be left untold." sabi nga ni Marco.

Ang sa akin naman, it doesnt matter if this story really happened, I'll just keep you hanging with that.... :)

Weh? Single ka na?

Weh? Single ka na? Oo, so whuut?

Yan ang kadalasang tanong sa akin ng mga kaibigan/ kablockmate/ kachatmate. Isama na natin ang stalkers ko sa dito sa Facebook. Oh Hi! Sinundan pa ng tanong na, "totoo nga?". Well, eto na at nang magkaliwanagan na kung bakit, ito lang po ang dahilan niyan.


1. Ayaw ko nang masaktan!
-Hindi sa sinaktan ako ng taong mahal ko ngayon. Ganito kasi yun. Mahirap kasi ang mag invest ng feelings sa isang tao na akala mo eh okay okay kayo pero yun pala iiwan ka lang sa bandang huli. Lolokohin at paasahin sa isang bagay na wala palang patutunguhan. Sabi ko din nga, dahil sa nangyari dati, nagkaroon na ako ng trust issues with whoever attempts to make any move on me lalo na nung kay Boom (hi!). Hindi sa nag papaka madrama ako. Ayaw ko lang masaktan ulit. Ayaw ko ng iiyakan ko ang isang tao na gagaguhin lang pala ako. Sabi nga sakin dati, wala akong kwenta! So what?? San ka na pinulot ngayon??? Hahaha!!



2. Aral muna dapat!
- Pumapangalawa naman to. Dalawang taon din akong hindi ganun na nagseryoso sa pag-aaral. Mula yata noong college ako? Kasi pa-freelance freelance lang. Pasarap buhay sabi ko nga kay Vic yun kanina. Now that I only have two years left to study, why not give the best shot na diba? Tutal hindi naman ikamamatay ang pagiging single noh! Walang expectations, wala pang sakitan!



3. Steady lang muna.
- Hindi naman minamadali yan eh, sa totoo lang ha pero tinatawanan ko nalang din people who posts things about their bfs/gfs lalo na yung inii-STATUS pa! Bang! okay lang sana eh pero wag lang OA! Aminin mo, paminsan naging ganoon ka din! Hahaha! As if naman na tatagal sila (ako na bad!), well sabi nga nila sa umpisa lang yan masaya! Iiyak at iiyak ka din at hahabol habol na mukang loka, but who knows din naman. Ewan ko. Ewan!



4. Im not a girl.
- Ito ang pinakamalupit sa lahat eh! Back when I was in highschool, I used to be a Table Tennis player. Kung puro lalaki lang rin naman kasama ko, might as well be one of them nalang diba? Ito ang lagi kong sagot dati. Friendly lang ako at hindi porket nakiki-ride ako eh like na kita! NO! Maryosep naman! The real thing is that, straight ako. Babae po ako! Kung tomboy ako eh bakit nalalaglag boxers ako kay Jake Cuenca?! LOL!!!



5.Ayaw ko po makasakit ng ibang tao.

-Yes, yan lang naman ang iisang bagay na ayoko gawin sa kapwa ko. Lalo na sa naging parte ng buhay ko na alam kong nagmahal at nag-alaga sa akin ng sobra. I really dont know what happened, pero yun lang ang way na maaari kong gawin sa ngayon. Bata pa nga ako, I know that Im childish at times. Paminsan, may mood swings din ako oooops! Oh wait! what I mean is, lagi pala! Im not saying that Im not yet ready since I have tons of boylets na before!! KIDDING! pero marunong naman ako magmahal at mag-alaga, yun lang abnormal lang talaga ako eh! I dont want to come up to the point na siya pa mismo ang maggive up sa akin dahil lang sa pag-uugali ko. Aminin ko, I am selfish. Kaya ako dapat pinagbibigyan, hindi naman ako abuso but I just dont want to pull them down dahilan lang din sa sarili ko. Sa nakalipas na taon, buwan at araw nagmahal ako.. Lahat ng kaya kong gawin sa part ko ginagawa ko, malamang may limits din noh!



Sa ngayon, oo masakit aminin na mangungulila ako minsan, ah what I mean madalas, sa pag mamahal na hindi lang sa pamilya at mga kaibigan mo mahahanap. Pero steady lang. Hindi naman siya mapapalitan agad, mahal ko pa din yun. Sabi ko nga, hindi naman ako nag mamadali. Nagwork ang relationship, YES. Masaya na lang muna akong kikiligin sa love story or love life ng mga kaibigan ko.. Alam ko na ginawa ko ito hindi lang para sa sarili ko. Para ito sa amin in the future. Atleast, we're friends. Maliban nalang kapag niremove nya ako as a friend here sa FB! Abangan natin yan lahat, aantabayanan ko yan kung gagawin niya!!


O ayan ang sagot ko sa very famous question na "WEH? SINGLE KA NA?" Alam ko karamihan sa inyo hindi sanay, pero ngayon sanayin niyo na sarili niyo. Hindi ako taon taon may boyfriend o boylet! Dati lang yon!! HAHA!



To Cedric Nacpil, thank you for your unconditional love and support. For the constant encouragement, for believing in me and for giving me reason to have hope in so many things. I'll definitely do the same thing for you, you can count on it. May God fulfill our dreams. :)

Monday, April 27, 2009

SUICIDAL.


14th day of April

I started thinkin’ about a presence for him for this day... But I end up with nothing. :(

Today is his 18th birthday.

This guy is so strong. I admire him, his personality of enduring all the pains within.

I like him for being a man of few words and loves him for who he is.

I greeted him warmly through YM. :) Then texted him and started saying sweet things just to let him know that I’m thankful to have in my life ... to have a wonderful guy and a one of a kind boyfriend.

He is my life. I don’t want to lose him.

The first thing I did in the morning was to greet him, again. I told him to just come here in house if he wouldn't mind so that I could greet him personally (without forcing him.:]) When he arrived, I let him sat on the swing.. After minutes, after some chit-chats and everything, my mom called me up inside (just asking a favour.) and so I told my guy to just hang up and wait for me ... (IT'S HIS BIRTHDAY! GOD..WHY AM I LETTING HIM WAIT? :]]]) That was thrice when I went in and out our house just to follow my mom... Then I went back to the swing and asked him,

"Ano ang handa mo?" he was like thinking of it and answered,

"Wala nga eh, sabi nila kapag 21 nalang daw ako (laughing)." And then I said,

"Ano ba yan, kawawa ka naman..hindi ka na mahal sa inyo! Wala man lang kahit Pancit Canton! hahaha.."

On the 4th call of my mom, I really felt sorry for him since my mom keeps on disturbing me! rarr! haha.. It’s just because she just can’t do things without me (lol). I went inside our house, grabbed the cake that I bought the night before, opened the candle and whoa ... ready for my surprise! :)) I walked out from our back door, holding up a box (of course with a cake in it) then walked silently until I reached him. It seems like I really paced too silent enough for him not to hear my steps in a cozy afternoon, haha! I wonder why am I teary-eyed that time :'(, maybe because the cake was just too heavy for me to carry it..hahaha..

I breathe in then uttered the line, "HAPPY BIRTHDAY, ALDRIN." He turned back and was (maybe) surprised! HAHA. I told him to make a wish and blow the candle...and so he did. He was speechless that time, couldn't say anything but, "THANK YOU". Deep within me, I was really touched with what I did! That deed was something that I also want to experience some time! hahah. TRUE!.XD (My classmates and my mom already did it when I was in 3rdyr hs. That was really a surprise, party pa! lol).

My reaction? IYAK-TAWA...HAHAHA! Plus a bit of "PITY-ME-LOOK", why? cause the night before, I was really longing, smelling the cake when I bought it! I WAS CRAVING FOR IT! hahahahah! .. We talked again, had our unending stories and moments... (YIHAY!) To my surprise, he asked me if I want to eat it with him, my heart was beating fast that time… not because of the sweetness but of his question! Guess what I said? "Hindi, iuwi mo nalang sa inyo.." (maryosep! ano ba naman ang pumasok sa isip ko para sabihin ang linyang 'yon gayong alam ko sa sarili ko na gusto ko non! GUSTO KO NG CAKE!) HAHAHAAH! I thought that he could read my eyes... my mind saying, “last na alok na,kukuha nako ng kutsilyo..” lol! But he didn't..huhuhuhuh..:(( But it's ok, at least I made him happy that time. Happy in a way of unexpected moments that (I know) he will always remember as he gets older...whenever...wherever...every 14th day of April.



Til before that day ends, he texted me again.. "Natouch talaga ako, alam mo yung ginawa mo kanina, parang nagbigay siya ng light para mapakita sa akin ung lahat ng mga nagawa mo para sa akin.. I love you so much!" (I love you,too!:]) right after the message, received another one again.. "Hay, I really won't forget my 18th birthday because of you." (Awww.)

See! He won’t forget the act that I did for him! He read my mind… but he didn’t when I was asking for another chance (on my mind lang). Yeah, another chance for him to ask me eat the cake with him..lol!


Lesson: Make other people happy... But never expect anything in return. (Kundi, suicidal na itechhh!) :)))

By the way, the cake was labeled: Happy birthday, Aldrin! (with a smiley in it) Love, Anne (and a heart at the end..<3)>

He's everything to me..

Call it a day.


Yeah! A great one.

Awesomme. I didn't get tired for te past hours! (malamang andito lang naman ako sa bahay!:))) Anyways, I woke up this morning with a smile on my face..Its as if Im not thinking of anything but my own self..my own happiness... @10 am, Aldrin and I went to the church.. Mejo namiss ko siya, kasi 15 hours ko siya hindi nakita..hahaha! Actually, I wasnt able to hear the mass keenly..hahaha!kasi mejo nagkadaldalan kami ng onti..(BADDD!!!!) but on the other hand ,also had a background naman with the homily..:)))Natatawa ako kay Aldrin kasi iba un behavior nya dat time..para siyang bata..he smiles at nothing! ahahaha! After the mass, we went home.. You know what, he is better than before. He spends most of his time with me..and that's what makes me feel secure.. un presence nya. Lunch time! then I slept for an hour din ata. 1.30pm naman He texted me that he will be coming here in our house by 2pm.. And so, I told him just to call me when he's at our gate already. When he arrived, he's bringing a plastic bag.. Yun pala un mga damit ko na nilabhan nya a month ago!hahahah! He dowloaded some programs for my laptop (di ko alam kung anu-anu un.:]) and downloaded some movies na din. We watched I am Legend and Beethoven.. Had some little arguements for the scenes kasi medyo vague padin ang dating even if we watched it na for many times na. We enjoy every moment kasi both of us are..are..basta un na un! :)) Then yun lang..hahah! We ate cupcakes for merienda.. had an unending chit.chat with him.. And so on...

Right now, I feel so blissful having him with me..here in my life. It feels like we're really in the state of fulfilling everything in our relationship.. Though there are times wherein we both need to adjust with a thing.. Un thing na inevitable tlga dumating between both of you. Magkaron man ng pains and sufferings, still intact padin kayo dapat.. In short, just think of it as parang under maintenance nalang.. Kasi in the end, as you both walk along through life, you'll have the feeling of security in your relationship. All the things that happened will be fair padin.. Sometimes, you have to wait for the right time para mag-work out and mag-grow..:)


When there's love, there is no tiring.. You'll be waiting until the light comes up between you two...<3

Labels: , , ,

Friday, April 24, 2009

Damn it!

There is this something that runs around my heaadd! It keeps me fallin down...all over again.. Yun pala un problem ko.. Knowing that I can do nothing about it...NOTHING! but just to wait for the right time. Its as if im the villain in the story.. As if Im always the bad thing that happened in his life. I believe not.. Kung alam lang nila... And that what hurts alot ,folk.. I have to understand them! DAMN IT! Why cant they??? For God's sake! Sa konting pag-unawa.. matured people cant give it pa? Oh maybe that's what they're calling as PRIDE. Yeah,maybe..I dont know.. And I dont even care.. I think all of this are happening for a certain reason.. But there's only one thing that I assure you, I AM NOT BAD. true.. As if others know me by heart for the to judge me.. Hopefully people wouldn't let there children face the consequences alone.. That "they" as parenst should have a big part in their youngs' lives..

Friday, November 21, 2008

Maliit ang mundo...

Maliit ang mundo…

Siguro nga talagang ang mundo eh maliit lang, maraming kaliwa kanan, maraming lubak, maraming maling road signs…

Siguro nga nasa harapan mo na, kaso nakatingin ka naman sa langit…

O di kaya sobrang lapit mo na talaga, nahulog lang ung kahoy na naguugnay sa inyo nung bumaha diyan sa BBB…

Siguro nga sabay na kayong patawid sa kalsada ng Mac Arthur bigla lang dumaan ang jeepney pa-Recto…

Siguro nga makakabangga mo na iniwasan mo lang si Fike ang babaeng nanghihingi ng piso sa’yo…

Siguro nga makakasalubong mo na kaso nagstop-over pa ang bus na sinasakyan niya…

Siguro nga diretso ang tingin mo sa paroroonan un pala nasa likod mo lang siya…

Siguro nga nasa crossroad na kayo kaya lang nagturn left ka o di kaya nagturn right naman siya…

Siguro makikita ka na niya, nabagsakan lang ng Billboard ang LRT kung saan pasakay na rin siya…

Siguro nga nakatabi mo na sa simbahan kaso may isang matanda na umupo sa gitna…

Siguro nga nakasunod mo na sa paglalakad kaso may stiff neck ka pa ng araw na un paharap sa kabilang direksyon…

Siguro nga makaksiksikan mo na siya, kaso hindi mo lang nakaya ipagpilitan ang sarili mo sa pagbaba sa Monumento station..

Siguro magkakatabi na ang FX na sinasakyan mo at jeepney na sinasakyan niya, dumaan lang kayo sa gas station para pabaryahan ang isang daang binayad mo…

Siguro nga hinahanap ka niya sa bus stop, kaso nakikihitch ka sa kapitbahay mo…

Siguro nga hinihintay mo siya sa terminal sa Blumentritt, naubusan lang ng token ang mamang pinagbayaran mo…

Siguro nga pareho na kayong nabasa sa ulan, kaya lang may iba naming nagpayong sa iyo…

Siguro pareho kayo ng paroroonan, nauna ka lang at pagdating sa kanya binaliktad lang ng isang makulit na bata ang roadsign diyan sa kanto…

Siguro nga hinahanap ka niya, nabaliktad lang ang paghawak niya sa mapa…

Siguro nga nakasabay mo na sa takbo ng buhay, natisod lang siya ng batong hinagis mo…

Siguro nga hinahanap ka niya, kaso hindi naman kayo magkakilala...

Suguro nga naghahanapan lang kayo sa maliit ngunit magulo at nakakalitong mundong ito…

Siguro nga…

Sana…



>this is non sense.. ahahha! but it has a lesson.:)) coz for me, if u r really meant for each other, you’ll surely spot that sm1 for you, at the right place and time... Luckily, I found mine already.:)